Diana Mendoza. Maganda. Singer. Sinungaling. Hahahaha! Penge naman ng binatog :'( PH



  • navis
  • UPCAT

    Sino ba namang may ayaw sa UP? Best university na, mura pa. Parang naiiyak ako na kinakabahan  na napepressure na nagsisisi.

    • Naiiyak ako sa sobrang kaba. Sa sobrang taas ng expectations nila mama. Kasi pag nakapasa nga ako, uuwi na si mama. 5 years straight na rin sya sa London. At bilang anak, kahit ganito ako, nangungulila na talaga ako sa kanya. Masakit lang isipin na mabibigo ko na naman ung kaisa-isang bilin nya sakin.
    • Kinakabahan. Putangina gusto kong sumigaw ng isang HA man lang. Para mawala tong naka-stuck sa dibdib ko syet hahaha =))
    • Nagsisisi ako kasi simula bakasyon bumili na agad ako ng isang set ng reviewer. 1k din to eh. Tapos kahit isang tanong wala akong nareview. Honestly, wala akong nabuklat. Masakit ding isipin na kahit anong gana o gusto kong magreview ngayon, BUKAS NA YUNG UPCAT SCHED KO. Wala nang oras.

    Ma, pa, sorry kasi hindi ko sineryoso ‘tong upcat. Hindi ako nagreview kahit may reviewers, hindi ako nag-enroll kahit andyan na ung pera pang review center. Sorry kasi hindi ko talaga to mapapasa. Kahit ipagpilitan nyo pa saking kaya ko, hindi talaga eh. Alam ko sa sarili ko yon.

    Lord, hindi ko po, at ayaw ko pong iasa sa inyo yung resulta ng exam na to. Guidance lang po talaga Lord, thank you. ♥

    Tagged: #upcat #drama ko syet #hahaha

    1. mariemakiling said: Kaya yan :) Puso lang, haha. Gusto ko rin sumigaw eh, lol.
    2. bemnierves said: Goodluck teh! Kaya mo yan:***
    3. supershamaeee said: Good luck Ate! Kaya mo yan!!
    4. lumalaboy posted this